Tuesday, April 26, 2011

This is IT

**moved from my Mi Amore blog (January 15th, 2006 by shiksa-08)

Haay naku, eto na talaga
Hinding-hindi na mapipigilan pa
Mga landas na dapat tahakin
Hayan at sa’ki’y nakatingin

Mapipigilan ba ang pag-usbong
kung siyang kinabukasan ang sumasalabong
Halimuyak nito’y humahalik sa’king pisngi
Hayan at sa’ki’y nakangiti

Ngayon pa ba ako susuko?
Na kung saa’y alam ko na kung sa’n ako tutungo
Ibinibigkas ng puso’y ang lumaban,
Hayan at ito’y pinakikinggan
Hayan at ako’y pinagmamasdan

Handa na ako sa kahit ano
Handa na’kong harapin ang kahit na sino

Sapagkat ako’y naniniwala
na kahit ang anino ng kahapon
ay hindi ako mapipinsala
Hangga’t sa aking sarili ay may tiwala

0 comments: